Tuesday, September 04, 2007
205: Gusto ko ng kakwentuhan
I am a talkative person.
I am a very talkative person.
So gusto ko ng very functional love life.
Wait lang. Kung nagbabasa ka ng blog ko at minamadali mo lang dahil may kailangan ka pang gawin (e.g. magbasa ng Hyman, mag-upload ng files sa Y! Groups, mag-basa ng gossip sites, matulog, kumain, mag-YM), malalabuan-ish ka sa sinabi ko. Pero kung mahal mo ako at nanamnamin mo ang mga sinabi ko, mapagpapasiyahan mong may kabuluhan nga ang aking pahayag (okay ang haba ng intro).
Sabi ng ni Lara. Basta may sinabi siya. Tapos kung alam mo yun, gets mo.
Gusto ko ng may makausap araw-araw. Hindi yung mga mabababaw na topics lang yung pag-uusapan gaya ng mga cravings ko. Paguusapan namin ang Digital Disparity ng mga Mamamayang Pilipino. Idedekonstrak namin ang Orapronobis (Sa Moviola ba ito?). Paguusapan namin kung ano ang mas makabuluhan kung ikaw ay may iniibig na: Changing for the Better or Being Who You Really are and Being Loved Despite of Your Imperfections. Gusto ko ng may nangagamusta sa akin. Gusto kong may ngumiti sa tabi ko habang isinusumpa ko ang OrgChem. Gusto ko ng may magbibigay sa akin ng pagkain kung ayaw/hindi maubos/gusto niya lang akong pakainin. Gusto ko ng may mapagkukwentuhan kahit hindi ko kailangan makinig sa kwento niya (pero makikinig pa rin ako kasi "mahal" [theoretically] ko siya diba). Gusto ko ng may magtetext sa akin ng 12:01 sa birthday ko. Gusto ko ng ka-picture kung kinukunan na yung mga couples sa isang party kunyari.
Pero hangga't hindi ka pa dumarating kung sino ka man, magbabasa na lang muna ako ng Electrophilic Addition of Alkenes at Tongue and Pharynx of Mammals (dumating ka na dali! ayoko basahin 'to!)