Friday, September 01, 2006
First Day of Christmas
I realized today (lagi na lang) that ireally don' know anything! I'm dumb, I'm stupid! Kung ano man ang nagyari that made me realize this very unfortunate fact, sa'kin na lang yun. Basta. BB ako. Period. Di question mark. Pero pwedeng exclamation point. Pwede ba? Hmmmmm...
Kumakanta po ngayon si Nil (my dear roommate) sa tabi ko. Med Choir kasi. Go Nil! Dapat may free tickets ako sa mga gig niyo. Sikat!
Okay. Ito ang ikatlong araw na tumakas ang Intarmed 2013 Block 13 sa lagim ng Komunikasyon ni Amante. The first time, nahuli kami dahil nakita ni Sir si Alvin. So balik lahat sa room. Nung second time, may strategy na kami! Ginamit namin yung fire exit (as if) sa may GAB para di siya namin makasalubong. Pagdating namin sa baba ng stairs, "Anong mundo to?" We were in a weird place na mukhang bodegang ewan. Sa pagkakataong ito, kumalat kami. Yung iba pumuntang RH. Ako napasama sa mga nag-fire exit. Nagkita pa rin sa may RH. Well. Ang bagal kasi namin...
Pupuntahan sana namin ni Cybill yung Block 14 para mang-inggit, kaya lang parang ang liit ng place nila at baka magalit prof nila, so wag na lang. Pagbaba namin nakita naming nagsipag-takbuhan ang madlang tao. Sunog ba? Pero bakit sila papasok kung tumakbo? Worse! Si Amante pala! Ruuuuuuun!
Nahuli kami. Period. Nag-Kom. Ang bagal kasi namin. Except Ate Honey. Bilis kasing sumirit! Haaaay. Dagok talaga ng buhay ko ang Kom. To Diliman tomorrow. Research. Don't ask.
Uy. "Ber" na. SeptemBER na! Bukod sa kaarawan ng maraming tao eh simula na ng PASKO! Hmmmm. Simulang na ang countdown sa kalahating taong Pasko (mula sa Setyembre hanggang Pebrero). Wow. Mga Pinoy talaga. Mahilig sa mga kasiyahan. Buti nga para masaya!
Nasasabik na ako sa paglabas ng paperback edition ng
Phantomni Terry Goodking. Yes, the hardbound is now available pero di ko siya kayang bilhin! Pasensiya, mahirap lang po kami. Ano kayang mangyayari sa librong ito? Mababawi ba ang Chainfire? Maalala ba ni Khalan kung sino siya? Sana...
So now, because I'm swamped with school work, I can't read the book I want to read! May tatlo pa akong stock dito:
Plains of Passage and
Shelters of Stone ni Jean Auel at
Eye of the World ni RObert Jordan. All three are very thick books. Siguro sa sem break ko na sila mababasa. Oh no!!!
Kruhay katahum kang kalibutan...
Okay. Tinawag lang ako ni Nil na "Imaginator." Kasi ini-imagine ko lang daw na maaga pa (11 na!). New word: imaginator. Siguro may "imaginize" at "imaginate" na rin. Ayoko nang ipagpatuloy ang train of thought na 'to. Mauuwi lang to sa pamimilosopo...
Eternal Damnation Award goes to:
Herbert Domingo, and
Lumberto Mendoza
It's a tie, ladies ang gentlemen!
Palakpakan, mga dukha!!!