Monday, September 04, 2006
Para sa mga gustong mag national library
Kung may balak kayong pumunta sa bantog (ows?) na National Library ay ihanda ang mga sumusunod para maging kanais-nais at...erm...fruitful ang iyong dalaw doon:
(10 to... bakit lagi na lang sampu?)
Una:Ihanda ang matitibay na mga binti kung gusto niyong maglakad para makatipid at maiwasan ang maligaw sa pook na puro usok.
Pangalawa:Dapat alamin kung saan ito. FYI: Ito ay malapit sa kanto ng TM Kalaw at Ma. Orosa sa Lungsod ng Maynila. Kung ang paaralan niyo ay nasa Faura lang naman ay huwag magpakatanga at pumunta pang Taft. Dumaan na agad sa Orosa sa may harap ng Rob.
Pangatlo:Maghanda ng Php 50 para mabayaran ang registration fee. Babala: bawal ilabas ang libro kaya dapat ding maghanda ng adisyonal na pera para pampakopya ng mga gusto mong lathalain. Ang Php na reg fee ay pambayad mo para lang makasinghot ng mga aklat na nailathala na mula pa sa dawn ng civilization.
Pang-apat:Alamin ang mga librong gusto mo. Dapat kumain ka muna para di ka himatayin sapagkat tatayo ka sa harap ng OPAC para lang maghanap ng mga librong akala mong may kanais-nais na laman. Kopyahin ang
lahat nang mga detalye na sa tingin mo ay makakatulong.
Huwag kalimutang kopyahin ang call number. Hindi ka bibigyan ng libro kung di mo alam ang call number ng pesteng librong gusto mo (gusto mong itapon).
Panlima:Ihanda ang baga. Maaari kang hikain sa loob nang Lib. Kung wala ka pang hika ay matakot ka dahil magkakaroon ka.
Napakataas ng mga hagdanan sa letseng gusaling ito. Kung aakyat ka nang isang floor ay gawin mo nang dalawa dahil ang akala mong third floor (kung galing ka sa second floor) ay bodeg/CR/tambayan/employee's lounge/chuva lang pala.
Mainit sa loob lalung-lalo na sa second floor OPAC terminal chuvaness ek ek. May mga bentilador nga pero mainit naman ang hanging ibinubuga ng mga ito.
Siyempre, naaagnas na siguro ang ilang mga aklat sa kani-kanilang mga estante. Maaaring masinghot ang mga allergens na ito at paglabas mo ay pula na ang ilong mo sa kababahing at kapapahid ng sipon mo.
Pang-anim:I-budget ang iyong oras. Kung akala mo ay habambuhay ka nang tumatambay sa lib ay maling mali ka. Alas quatro y media ay nagsasara na ang mga pipol doon. Ewan ko lang kung bakit. Manonood pa siguro ng
Pangakok sa Iyo sa sarili nilang mga tahanan kung saan walang umaali-aligid na mamang taga-ayos ng OPAC.
Pampito:Pag gusto mo nang lumabas ay kunin ang iyong bag sa baggage counter (siyempre diniposito mo muna ito kaya lang di ko na na-mention sa taas. Hello. Ang laki kaya ng baggage counter para makaligtaan mo...). Huwag kang pumila sa "DEPOSIT" kundi sa "CLAIM." Kung gagwin mo ang katangahang ito ay di ka lang papansinin ng nagbabantay at pagtatawanan ka lang ng lang hiyang mga "library patrons."
Pang-walo:Siguro naman ay kasama mo ang mga kaibigan mong pumunta ng library. Duh. Kung pumunta ka roong mag-isa ay may tawag sa iyo (at sigurado akong di ito maganda). Pagkatapos ng library adventure niyo ay siguradong mag-yayayaan kayong kumain dahil nakakagutom nga naman ang maglista ng mga bibilography entries at sa huli'y wala ka lang namang mapapala dahil nagsasara na sila. Dahil sa okasyong ito'y kailangan mong magttabi ng pera para pambili ng pagkain. Maraming kainan sa paligid.
Pansiyam:Sa pag-uwi ay huwag nang magpakatanga at pumuntang Taft. Orosa na agad (sa kaso ko ay napakatama ng gawaingito).
Maghanda ng payong! Di mo alam kung kailan uulan.
Nang malakas. Kung wala kang payong ay bumili ka na. Pero kung iisipin ay wala ring kwenta ang payong dahil mababasa ka rin naman. Sing ka na lang in the rain and the baha and the
Leptospira interrogans.Pansampu:Mag-ingat sa daan. Baka matamaan ka ng kidlat sa paglalakad. Alamin kung nasaan ang iyong falshlight sapagkat ang daratnan mong dorm ay walang kuryente. Kung dapat maligo dahil basa ay gawin it nang mabilis dahil madilim. Baka ikaw ay madulas o kainin ng kung anumang nilalang.
Nawa'y pagpalain ka sa iyong pakikipagsapalaran sa Pambansang Aklatan.