Saturday, September 30, 2006
The Power of the Blue Bracelet
So balik Tagalog na. Ang fun kasing basahin eh. Haha.
Ang saya nung bagyo (so bagyo ang topic ng lahat)! As in super nakapagpahinga ako. What bothers me is the thought of going to school next week. As in wala pa akong natututunan sa Math. Tas random thoughts na naman ni Via Susty. Hay naku. Buhay estudyante talaga.
Nung first day ng storm, nagising akong gutom. Anong oras na ba? 1 p.m.! Oh hindeh. Kailangan ko nang pakainin si tummy dear. So pano to? Eh wala akong food sa dorm. So lalabas ako? Eh walang kuryente tas ang lakas lakas pa ng hangin. Ang lapit pa naman namin sa Manila Bay. So nang nagprisintang lumabas si JF eh agad akong nagpadala ng money para bumili ng food. Yes! So shanghai luriat na to...
After lunch, medyo tumila na yung ulan. Boring kasi sa dorm so nag-decide kaming mag-MOA (mall of asia para sa mga ma-detalye) para manood ng FDHU (First Day High University???) na movie. So lakad lakad lakad. Huwaw! Ang daming tree-part sa road! At sa UP naming mahal! BUti na lang di napano si Lady Med. Amidst the fallen debris she still perches pregisitously on that giant skull. Yes naman. Palakpan, please.
So ang traffic sa Taft. Walang LRT, walang jeep. MOA, mamaya ka na lang. Rob na to. So wala rin. Eh di Rob Residences. Grabe namang Milenyo na yan. Nawasak ba yung door ng Tower 2!!! Sumabog nga ba ang building? Bernoulli's principle nga ba, Cy? Nakipagchicka lang kami kina Joanne at Ro. Then uwi.
Shucks ang baboy ko. Andami kong kinain over the loooooooong weekend. At di pa nga siya tapos! Well well well...
Friday at ganun pa rin. Wala namang masyadong magandang nangyari, except that nauubusan na ako ng pera at walang ATM na online! Oh no. Mamamatay na ako sa gutom!
Eto na. Sabado na. Ang aga kong nagising. Kasi naman ang aga ko ring nakatulog. Kasi walang kuryente at wala akong magawa. At kahit maingay ang generator ay super himbing pa rin ng tulog ko. Feeling ko napagod ako sa kakakain.
Gutom na namang akong gumising. Ano ba? Ang baboy talaga ng labas ko... So hanap ako ng breakfast. Eh wala nga akong pera! So hanap muna ng ATM. Shucks ang hirap maghanap pero at least may nahanap ako dun sa may Adriatico. Oh di ba?
Ang aga pa so Dance Maniax muna. Huwaw! Na-miss ko naman ang lovely machine na ito. Pagkatapos ay kumaripas ako ng takbo papuntang Jollibee. 11 na kasi at magkikita pa kami ni Maui (kasama ko si Nil) sa Pedro Gil. Pagdating sa doray lamon agad ng Jollibee 2-piece burger steak meal, extra rice at regular coke, without ice please. Tas ligo (yes, nag-Rob akong di pa naliligo). Tas puntang LRT.
As usual, late kami at nauna ang baboy. Feeling ko nga doon na siya nakatira eh. Hehe. After, Vito Cruz na toh! Hello JF. At bakit naman ganyan ang suot mo? I have a shirt similar to that. So wala lang. Hmmmmm...
Ballet na ni Lisa. But wait. Kain muna. Fruit salad and pineapple juice. Ang asim ng pineapple juice sa Tropical Hut! At ang bagal ng bruhatil na kahera. Anyway.
Ang galeeeeeeeeeng ni Kumareng Lisang sumayaw. Super. Eh pano naman siya nabansagang "First and Only Prima Ballerina of the Philippines" (kasalanan to ni Maui) kung di siya magaling, di ba?
Fisrt act: Giselle. Ang creepy! Multo ba! Ahaha... May pa-glide-glide-tiptoe-chuva effect pa! Palakpakan.
Tas may part na yun andun si Harlequin at si Columbine! At nasaan si Pierrot? Aber? Kahit na super galing nun at nice yung costume eh natakot pa rin ako. As in yung chill-sa-spine effect. Tantanan niyo ako, pwede ba!!!
Yung favorite ko yung part na may black and white kingdom. Tas may prince na magpapakasal sa princess. Tas may bestfriend yung prince na wise man. Tas may dumating ne byootipul bird na sineduce yung prince. Bakit sila nagkatuluyan?! At yung princess at yung wise man? Ano ba?! Sayang naman yung engagement party... Sa bagay, marami naman silang pera. At buti na ring di sila (prince+princess) nagkatuluyan para ma-distribute naman yung wealth sa publiko. Haha...
Ang rowdy ng crowd. As in. May mga baboy dun sa likod na sigaw nang sigaw ng "Bravo!" as if yun lang yung alam nilang salita. Siguro. Kawawa naman sila. Gloria! Maglaan ka naman ng maayos na budget para sa edukasyon! Nanananananana edukasyon... Nananananana komersalisasyon...
So after the ballet ni KUmare eh punta agad kaming Star City! Ayaw pa sana ni Oink Oink pero sayang naman yung ticket diba? So rides, here we come!!!
Yung rides/things na pinutahan namin:
-Ala anchor's away (first ride pa lang, tili na agad si Maui)
-Gabi ng Lagim (dapat horror house siya, pero natatakot lang akong matamaan ng props nila)
-2 times sa rollet coaster (maliit lang siya, at once lang siya iikot, pero may loope-de-loop!)
-Egyptian Horror thingy (medyo natakot ako... kasi ang dilim at di ko alam kung safe yung inaapakan ko!)
-bumper cars (yes! di ako marunong)
-bumper boats (ay ang lamya... alugin na lang namin ni Maui yung boat thingy)
-wave thingy (basta weird xa at di ko ma-explain. sabi ni Ace "Nahuhulog na yung tiyan ko!" Wha?)
-roller coaster thingy na indoors (wow ang sakit ng leeg ko dun)
-Ferris wheel na maliit (aw...ang sweet sana if you're with the right person... huh?)
-carousel (wooohooo! naksakay ako sa horse!)
-plane thingy (ikot nang ikot si JF)
At yun lang ata. Sasakay kami sana doon sa boat thingy na may place na super nice siyang pag-iikutan. Kaya lang there was this family na yung sinakyan nila ay napasukan ng tubig. So super galit siya. At lumabas na naman yung famous (infamous?) line na, "Nasaan ang manager niyo?" So scrap the idea.
Andami kong kinain. For dinner I ate 3 cups of rice, 2 BBQ, 1 coke, half ng lalagyan ng popcorn at isang maasim na mangga. Sayang walang ice cream at brownie from Kenny. Huhu...
Ang saya ng araw na toh. Ayoko sanang umui pero tag-QC po sina Fau Fau at Telki. So uwi na talaga. At nung pauwi na, nakita ko siya! Oh yes! At nung pinuntahan ko siya para mag-hi eh tinawanan pa ako ng bruha niyang friend. Whatever. At di niya ako masyadong pinansin. Ang kawawa ko tuloy tignan... Hehe...
Hay naku. So good, this week. Sana maulit muli. At wala pang Fun Run! Sayang naman at di kami maka-punta kina JF. Well, next time na lang daw...
Pano kaya yung next week ko? Hell? Heller? Hellest? Helen Keller? Bahala na. Aalagaan ako ni God. Sana naman makauwi pa akong intact at buhay pa. Not necessarily in that order... Yes. I love this week. Sana nga lang nag-lakawatsa yung buong iMed...