Monday, December 11, 2006
Selfish
Oh no.
Wait lang. I-practice ko kaya ang pagsasalita (typing actually) sa Tagalong nang sa gayon ay maging matatas naman ako sa paggamit ng sariling wika. At para ma-ensayo ko na rin ang aking sarili sa paghahanap ng mga malalalim at mabulaklaking mga salita para sa talumpating handa at di handa para sa asignaturang Komunikasyon III sa panuro ni Ginang Carol. Pulumbarit.
On second thought, 'wag na. Ang pangit pakinggan. O basahin. Whatever.
Basta. Hey. As of now, isa na lang ang kailangan kong sticker for that Starbucks Limited Edition Planner. Hala. Ano kaya yung last drink ko before ko makuha yung thing na uber mahal at sobrang ewan? Haha. Ang babaw ko naman. Sumasakit na nga lalamunan ko sa kakainom ng frap. At hindi pa ako nadadala. Hay naku. Ang baboy ko talaga.
At dahil sa katakawan ko sa kapeng mahal, malamang ay wala akong maibibigay na mga regalo sa mga tao ngayon. Maliban na lang siguro sa pamilya ko na matagal ko nang hindi nakikita. Hala. Napakamakasarili ko naman. Pero ewan. I'm poor kasi. At feeling ko sa past life ko serf ako. Ang depressing diba?
Pero Christmas at dapat maging masaya. Gusto kong makumpleto yung simbang gabi. Super fun! Yey. Kakanin at hot choco. Haha. Tas pag-uwi sa bahay Late Night with Conan O'Brien agad. Haha. Ewan.
Kanina, when I was talking about Christmas and gifts and family, at kasama ko si Joanne sa MSU, medyo naiyak ako. Hala, ang crybaby. Pero siguro pag di ko masyadong pinigilan, maiiyak talaga ako. May tendency kasi akong maging cryaholic. Gosh. I'm sooooo lame. Iyaking lampa. Yuck. I gross myself out. Yuck talaga. Haha.
Ang saya maging "single." Basta. Ewan ko lang. Kasi naman. Would I like the Dream Girl or the Best Friend? Feeling ko I'd settle for someone who could tolerate me na lang. Haha. Ewan. Andaming "ewan," "hala," at "haha" sa post na 'to. Na-feel ko lang.
Uuwi na ako sa Saturday. Wee!
Wala na yung super-nice-pero-hindi-ko-naman-ever-bibilhin na pants sa PRP. Anyway.
Ang tagal ko nang di nagpo-post. Feeling ko lang. Haha.
Sana matapos na lahat na gagawin ko. Tapusin ko na kaya. Tama na blog, Patrick. Oki?