Tuesday, February 27, 2007
Pumasa Ako
Yes, napakanaman nito. Pumasa ako sa 1st LT ng Math 100! Magdiwang, magdiwang! Katakot-takot kasi yung exam na yun so masaya ako na may pag-asa pa na ako'y di magpatiwakal dahil sa grades. Siyempre, mediocre ang score ko. Ang Diyosa kasi, naka 1.25. Pero yung sa akin, plus 1 pa. Pero okay lang! Kasi pasado ako! Weeeeeee!
OKay super konsensya moment na to. Birthday kasi ni Miggy ngayon. So nanglibre siya ng Yellow Cab. Sige, kahit isang slice lang yun masarap naman. Tapos nung nasa GAB caf na kami, nilabas niya yung mahiwagang Toshiba niya. So ayun, naglaro ata sila ni Daniel ng DOTA. Tapos, being the awesome pesk that I am, dinisconnect ko yung mouse niya. Tapos there was this moment of mild panic. "Bakit di na gumagana mouse ko?" sabi pa ni Miggy. Grabe, ganun siya ka-engrossed sa paglaro nila na di niya man lang napansin na tinanggal ko na yung mouse niya. Pero ayun. Naging obvious so naayos. Tapos I pressed every key sa keyboard to see what each button does (apparently wala). May ctrl-alt-del pa kasi sabi ni Ding Dong. Eventually, na-attain ko ang goal ko na mag-hang si Toshibaba niya. At natigil ang kanilang paglalaro.
At gumuho ang GAB.
Joke lang. Pero bumagsak yung mukha ni Miggy (is this even a Filipino idiomatic expression?). Tapos super nakunsensiya ako kasi hello! birthday nga niya tapos super nagpaka-peste naman ako. Ang samaaaaa ko. Ano kayang gagawin ko para makabawi?
Okay, Joanne and I are blue siblings today. Blue top + blue footwear. Napag-usapan namin na andami naming damit na may kulay na hindi naman namin favorite color. Andami kong blue shirts pero favorite ko ay green. Siya pink naman pero yung favorite niya ay purple. Wala lang.
Tapos nung Bio Lec kanina, pumasok yung isang candidate for USC Councilor. Si Jan Baybay? Tapos grabe, when she was talking about her platform and whatever, yung BASE niya, I felt a shiver dun sa empowerment part. Magandang pangitain kaya ito? Matapos niyang lumabas, nasabi ni Joanne na nag-shiver siya. So super nag-kwento naman ako na nag-shiver din ako! Weird. Minsan naiisip ko na... Never mind. Haha.
Never. Hello.