Saturday, May 26, 2007
It's so my birthday today :D
Okay that was blunt. :D
Anyhow, I feel so old. Hello. Welcome to the 'wise' people's club? Bah. 'Welcome to the legally responsible's club' is more fitting.
I spent the last few hours of my last day as a minor eating a lot. A LOT. But before the endless gorging (okay di naman endless), I watched Block 14's (+ Nursing's) play for the second time. And I was blown away. KAKANIN. And NAKARIRIMARIM (okay isang taon na ako sa FIlipino block pero hindi ko alam kung ano ibig sabihin nito). Ang galing ng mga people. Somebody, however, partly ruined the experience for me. Nasa tabi ko siya, tili nang tili. Pwede ba, ikaw kaya yung nag-direct noh. Di ka pa ba nagsasawa sa mga eksenang ganun?
Basta. Ang ganda ng play.
Before the start of the play, Miggy handed Bea something which in turn she handed me. And it was just one of the things that I wanted for my birthday. Meron na akong Wicked ni Gregory Maguire! Yes naman. Salamat sa Mean Girls and Miggy and Danni and Poch. :D
Tapos nung pauwi na ako, naasara ko ng slight kasi umuulan. So I ran towards Rob which is like 50 blocks away. Kidding. Malapit lang naman pero the rain made the trip hard. Tapos medyo nalungkot din ako kasi ako lang mag-isa diba. So I made a trip to McDo to soothe my rumbling (and rapidly expanding) tummy. At grabe, ang tanga nung taong nag-serve sa akin. Grabe bakit kaya siya ganun. Baka sabaw na siya dahil ng closing time na ng Rob. Anyway, my very benevolent and magnanimous self forgave him. Hahaha.
Tapos nung natapos ko na yung yummy 5-piece treat ko, dumating na rin sa wakas mga roomies ko while I was packing my stuff. So nag-bonding session muna kami kasi wala kaming magawa. Wala kasing TV due to Nil's perpetual slaving in front of that flickering boob tube. Haha. Joke lang, Nil.
Then it was around 11:30 that I decided to go to Starbucks at mag-transform into an adult there. Ano ba itong mga sinusulat ko. Anyway, birthday ko naman eh. Pero nung palabas na ako ng dorm, na-realize ko na umuulan pala. So I decided to return to our room to get an umbrelly. Tapos nakasalubong ko sina JF at Nil nung paakyat ako. Tinanong ko sila kung saan sila papunta. Ministop daw. Tapos ang suplado and secret-y nila all of a sudden na kani-kanina lang ay chummy chummy kaming tatlo. Fishy fishy.
So ambilis ko sa Starbucks. Nung mga 12;30 na, I decided it was late and I had to rest kasi I have a 5:15 flight home. So nasa dorm na ako. Then when I opened the door, maligayang 'Happy Birthday!' ang bumati sa aking mga tainga. They had this cake (presumably from Ministop) with this one candle on top of it. And I realized that I was really blessed to have friends like them. They really waited for me to arrive home just to sing to me. Awwww. Tapos they made me make a wish. For the second time. (kasi yung first time ay the day before when I brought pizza)
Tapos nagpakababoy ako. And then true to BR sense, I went to sleep with smile on my gluttonous face.
Laking gulat ko na lang nung pag-gising ko ay 3:45 na. Shucks! Dapat nasa airport na ako by 4:30 or esle my going home will be compromised. :( So panic galore na ito.
I checked in at 4:36! At closed na yung counter. And I was the last one to book. OMG super saved naman ang feeling ko na umabot ako sa cut! Buti na lang at may natitira pang seat! Sobrang tuwa ko talaga. And they were already boarding! So no waiting time talaga. What's funny is I'm never late pagdating sa airport. I'm usually there hours before. Maybe because it was too early. Basta. Ayun at masaya akong umuuwi.
Pero ang isang taong gustong-gusto kong bumati sa akin ay hindi pa nagpaparamdam. Baka di niya alam. Or ayaw niya lang. Ang sad naman.
Yun. Birthday adventure. Nothing special. Just a day full of blessings.
I really expected physical manifestations of my being a new adult. Brittle bones? Ancient-sounding voice? Earthy, musky smell? Pero wala naman. Duh, ang drama naman kung ganun. Sabi ng ni JF, 'You're just a day older.' I somehow thought that there was this giant net above you, waiting to rip the instant you turn 18, burying you under all the responsibilities and all that jazz. But I've only been 18 for less than a day. Ano nga ba ang alam ko?
Miggy and Bean brought their GFs sa play. And they were all lovey-dovey and cozy and all that. Nainggit naman ako at sa wakas ay nagkaroon din ako ng loser moment. I want one, tooooooo. Dumating ka na kasiiiiiiiiii. Or pansinin mo na ako. Ano baaaaaa. Hahaha. LOSER. This is what you get for being friends with the likes of Maui and Cy. :D
Happy birthday to me! :D